“I would highly appreciate very much if you would at least acknowledge any materials used or at least ask for a permission first. Unless specified, all other materials are from the private collection of the blog owner. Thank you very much!”

Saturday, September 29, 2018

THE SEVENTIES # 1092: ELIZABETH (BETH) BAUTISTA, JOSEPH SYTANGCO, DICK ISRAEL, ANTHONY ALONZO, JOSEPHINE GARCIA, SUZANNE GONZALES IN DANNY ZIALCITA'S "HINDI SA IYO ANG MUNDO, BABY PORCUNA" (1978)


"Hindi Sa Iyo ang Mundo, Baby Porcuna" (1978)
JV Productions
Release Date March 17, 1978
Produced by Jun Viray
Direction Danny Zialcita
Cast Elizabeth (Beth) Bautista, Joseph Sytangco, Dick Israel, Anthony Alonzo, Josephine Garcia, Suzanne Gonzales

Synopsis: Halaw sa tunay na pangyayari, isinasaad ng Hindi sa Iyo ang Mundo, Baby Porcuna ang buhay ng kapatid na babae ni Boy Golden, isang kilalang maton noong 1960's. Si Baby Porcuna (Elizabeth Bautista) ay isang mananayaw ng burlesk sa tanghalang pinamamahalaan ni Cris (Dick Israel).. Nahahalayan sa hanapbuhay ng kanyang kapatid, kinuha ni Boy (Anthony Alonzo) si Baby habang nagsasayaw sa tanghalan, at iniuwi sa apartment na kanyang tinutuluyan upang ilayo kay Cris kahit may anak na si Baby rito. Nakilala ni Baby si Tommy (Joseph Sytangco), isang mang-aawit sa tanghalan ni Cris. Nanligaw si Tommy at nag-alok ng kasal. Matapos matuklasan ni Baby ang pakikipag-ulayaw ni Cris sa ibang babae, nabuo ang kanyang pasyang iwanan ito at magpakasal kay Tommy. Naging maunos ang kanilang pagsasama dahil sa kaugnayan ni Baby kay Boy Golden at sa magulong pamumuhay nito. Ang pakikipag-alitan ni Boy dahil sa dalawang babae, kina Emma (Josephine Garcia) at Susan (Suzanne Gonzales) ang naging sanhi ng kanyang kamatayan. Natanto naman ni Cris na tunay na may pagtingin siya kay Baby. Binayaran niya si Tommy upang layuan si Baby. Nasaktan si Baby at bilang ganti ay sinabuyan niya ng asido si Tommy. Nagsisi si Baby nang malamang si Cris ang may kagagawan ng lahat, ngunit tulad ng ugnayan nina Boy, Emma, at Susan, ang kina Baby, Cris, at Tommy ay humantong din sa isang malagim na wakas. (Source: Manunuri ng Pelikulang Pilipino)

Originally published at The Times Journal, March 22, 1978
Re-published  at The URIAN Anthology 1970-79
---to read, click image to enlarge---


No comments:

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin