Sometime in June 1969, the whole Metro Manila was in the state of shock when the so-called “Mad Killer” known only as “Waway” roamed, stalked and terrorized the whole populace. Metro residents preferred to stay home early fearing for their lives. A massive police manhunt was ordered and conducted for the immediate apprehension of the elusive criminal. A certain Juanito Arce was turned over to the police after he was mobbed. He was the man alluded to as “Waway,” the mad killer. He was sentenced to serve a prison term of the many crimes he committed. He was turned over instead to the National Mental Hospital. He escaped but was later killed by an unidentified assailant.
The Manila Times/ June 19, 1969
The Mad Killers (1969)- Stars Tony Ferrer, Daisy Romualdez,
Van de Leon, Johnny Monteiro, Lauro Delgado, Victor Bravo, Joe Sison
and Max Alvarado/ Directed by A. Gregorio
Years later, another “Waway” came up. According to police records, his name was Leonardo de los Reyes, a Tondo resident. De Los Reyes, a homicidal maniac was reported to have killed 37 people, Since most of his victims were policemen, he was tagged as cop killer. Famed police reporter Ruther Batuigas once facilitated the surrender of de los Reyes. He escaped but was also killed in an encounter.
see Gus Abelgas' True Crime on "Waway" Left- Batuigas II: Pasukuin si Waway (1984)- Stars Rudy Fernandez, Johnny Delgado, Ma. Isabel Lopez, Susan Valdez and George Estregan as Batuigas/ Directed by Manuel 'Fyke' Cinco
Right- Alyas Waway (1993)- Stars Cesar Montano, Jun Aristorenas and Cristina Gonzales/ Directed by Toto Natividad
From the website of Gus Abelgas' True Crime, here's a vivid account of Leonardo de los Reyes' life and times (in tagalog)---
" Samantala, hindi natapos ang kasaysayan ni "Waway" sa pagkawala sa eksena ni Juanito Alde, ang orihinal na berdugo ng Maynila. Sa lugar ng mga iskwater sa Del Pan sa Tondo, umusbong ang isang kriminal na mas matindi ang kasaysayan kay Alde. Siya si Leonardo de los Reyes. Ayon sa mga balita, 37 katao ang pinatay ni de los reyes sa loob ng isang dekada mula noong 1967. Binansagan rin siyang Waway dahil sa kanyang kakaibang pag-uugali at paraan ng pagpatay.
Paliwanag ni Ruther Batuigas, dating police reporter, "Galit siya (de los Reyes) sa mga taong nakapag-aral. Galit siya sa mga pulis, sa lipunan, sa mga mayayaman. Gusto niyang tapusin lahat 'yan. Gusto niya pasabugin ang mundo.'' Kinalaunan, naging homicidal maniac si de los Reyes. Kapag hindi siya nakakaptay, nagkakasakit siya, ani Batuigas. Ang problema para sa mga pulis, itinuring na Robin Hood si de los Reyes sa kanilang lugar. Sa halip na ipagkanulo, tinitingala siya ng kapwa sanggano.Hindi malinaw ang pinanggalingan ni de los Reyes. May nagsasabing mula siya sa Samar siya tulad ni Alde. May nagsasabi ring isa siyang Bicolano. Ngunit ayon sa kanyang sariling salaysay sa mga peryodista, lumaki siya sa Del Pan at naging amain ang hari ng mga snatcher sa Maynila.
Kilala si de los Reyes sa labis niyang galit sa mga pulis na nag-ugat sa isang insidente noong 1967. Salaysay ni Batuigas, "May kolektor noon ng Meralco na napasok doon sa lugar ng mga iskwater sa Del Pan. Nakursunadahan ng mga lasinggero, ng mga tambay doon." Ang hindi alam ng mga tambay, kapatid ng isang pulis-Maynila ang kolektor. Pumalag ang kolektor sa mga lasinggero kaya nasaksak ito at napatay. Gumanti naman ang mga pulis. Pagdating ng mga alagad ng batas, nagtakbuhan ang mga sanggano at naiwan si de los Reyes. Dinala siya sa himpilan ng pulisya at doon pinahirapan. Minsang dumalaw ang ama ni de los Reyes, maging ito ay ginulpi ng mga pulis. Sa bandang huli, wala nang nagawa si de los Reyes kundi aminin ang kasalanan. Hinatulan ng 40 taong pagkabilanggo si de los Reyes sa Davao Penal Colony. Ilang buwan pa lamang,nakatakas na ito at bumalik sa Maynila.
Kasunod nito, naging magnanakaw at tirador si de los Reyes. Noong gabi ng Pasko 1971, itinumba ni de los Reyes ang bagong halal na alkalde ng Malabon. Gumawa rin siya ng listahan ng mga pulis na itutumba. Ang tingin niya sa mga pulis, kasuklam-suklam na tao. Pangunahin sa kanyang listahan si Sarhento Juanito Lagasca, siya umanong namuno ng pagmamalupit sa kanya. Sa kabila ng pagiging kilabot, naging mailap si de los Reyes sa lambat ng mga awtoridad dahil sa suporta ng iba't ibang sindikato ng kriminal sa Kamaynilaan.
Noong Okturbe 10, 1972, itinumba ni de los Reyes ang dalawang pulis na nakaposte sa Del Pan. Ito ay sina Patrolmen Gregorio Magtanong at Nestor Barcelo. Bunga nito, nagpasya si Lagasca na tapusin na ang buhay ni de los Reyes. Ayon kay Batuigas, narating na ang dulo ng pisi ng mga pulis. "Kapag napatay ng kriminal ang isang pulis, mata sa mata,ngipin sa ngipin ang gantihan." Ngunit sa kabila nito, hindi naging madali ang pagdakip kay de los Reyes. Bago natapos ang taon, nasakote si de los Reyes sa bahay na pinagtataguan sa Marikina. Binihag niya sa pagkakataong iyon ang buntis na si Lina Paulo at lima nitong anak.
Pangalawang pagkakataon Nilapitan ng mga awtoridad si Batuigas upang pasukuin si de los Reyes. Ani Batuigas, batid niyang wala sa matinong pag-iisip ang salarin dahil naipaliwanag na ito ng isang doktor sa kanya. Pinapasok naman ni de los reyes sa bahay si Batuigas pero pinaghubad muna ito ng damit upang masigurong wala siyang dalang baril. May hawak na granada at baril si de los Reyes, pero unti-unti itong nakausap . Hindi rin inakala ni Batuigas na sa gitna ng tensyonadong eksena, makakakita siya ng pagkakataon. Dahan-dahan niyang nilapitan ang salarin at hinamon ito na pasabugin ang granada nang magkayakap silang dalawa. Sa unang pagkakataon, nakita ni Batuigas ang takot sa mukha ni de los Reyes. Kinuha ni Batuigas ang granada at baril at tuluyan na ngang lumambot si de los Reyes.
Ayon kay Batuigas, saglit niyang naisip na siya na lang ang tumapos kay de los Reyes, ngunit hindi niya nagawa. Paglabas ng bahay, dinumog si de los Reyes ng mga galit na tao at pulis.May dalawang linggong sinamahan ni Batuigas si de los Reyes sa selda nito sa WPD upang protektahan sa mga galit na pulis. Nakiusap si Batuigas na bigyan ng due process ang detenido. Sa utos ng dating Ministriya ng Katarungan, inilipat si de los Reyes sa isang espesyal na kulungan para maiwasang mapatay siya ng mga pulis.
Pero muling nakatakas ito at plinanong balikan ang natitira pang mga pulis sa kanyang listahan. Noong Disyembre 10, 1977 nang matunugan ni Lagasca na may balak looban sa Binondo si de los Reyes. Ang hindi alam ni de los Reyes, espiya ng pulis ang tsuper na kinuha niya para sa operasyon. Ang usapan: dadalhin ng tsuper si de los Reyes sa isang gasolinahan sa Del Pan kung saan nag-aabang sina Lagasca. Hindi na makilala si de los Reyes nang tigilan siya ng putok ng grupo ni Lagasca. Samantala, si Batuigas mismo ang nag-asikaso sa libing ni de los Reyes sa North Cemetery."
Hi. I would just like to ask if you have a copy of Mel Chionglo/Lino Brocka's LUCIA starring Lolita Rodriguez. Thanks. :)
ReplyDeleteHi Sir Simon,
ReplyDeleteI have been following your informative blog for two years. This will be my first time to communicate with you.
Yesterday, September 19, I watched "Lakay: The Juanito Lagasca Story" on ABS-CBN's Cinema FPJ movie block.
In the movie, I presumed that the mad killer (played by Efren Reyes, Jr.) was Waway after his bar singer-girlfriend (played by Rina Reyes) addressed him as Nardo.
This prompted me to revisit your previous post about Leonardo delos Reyes a.k.a. Waway.
My act confirmed the connection between Lagasca and delos Reyes.
I think there are some modifications in the movie. How about posting some news clippings about Lagasca?
Keep up the nice work in your blog.
Former police detective originally from Piddig Ilocos Norte now retired living with his family .Thanks! From:Wayne
DeleteHi Sir Simon,
ReplyDeleteI have been following your informative blog for two years. This will be my first time to communicate with you.
Yesterday, September 19, I watched "Lakay: The Juanito Lagasca Story" on ABS-CBN's Cinema FPJ movie block.
In the movie, I presumed that the mad killer (played by Efren Reyes, Jr.) was Waway after his bar singer-girlfriend (played by Rina Reyes) addressed him as Nardo.
This prompted me to revisit your previous post about Leonardo delos Reyes a.k.a. Waway.
My act confirmed the connection between Lagasca and delos Reyes.
I think there are some modifications in the movie. How about posting some news clippings about Lagasca?
Keep up the nice work in your blog.
He is the officer and a gentleman was Lt.Col.Juan Lagasca Sr Manila Police officer and a top cop battles criminals robbers kidnappers terrorists and extremists and save the innocent and keep the peace.Thanks! From:Wayne
DeleteHi Sir,
ReplyDeleteWe're wondering if you have any photo or image of Leonardo "Waway" Delos Reyes? We're willing to purchase a copy if ever. Thanks so much! You can reach me at dreamweaver_czc@yahoo.com
saan po mapapanood ang waway ?meron kasi ako ng CD noon kaso nawala
ReplyDeleteTo be shown on Cinema Global 24 hour cable channel from the Philippines they air Filipino films classic Filipino films from the 1950's and the 1960's,1970's and 1980's until now.. Thanks! From:Wayne
DeleteIf Waway's point of view is true, then Juanito Lagasca deserves to be in HELL!!! hahahaha!!!
ReplyDeleteKahit noon pa man...masama na rin pala ang mga Pulis! Sana lang, mga napatay ni Waway, yung mga talagang masasamang tao!
ReplyDeleteHindi lahat, lolo ko si gregorio magtanong. ang kwento ng lola ko, bago mag raid sa divisoria, inaabisuhan na ng lolo ko un mga tindera para itabi lahat ng mga paninda nila bago mag raid ang mga pulis
DeleteManila cop killer and murderer Leonardo Delos Reyes an enemy of Manila Police detective Juan Lagasca Sr.gunned down a criminal by the hands of justice and protector of Manila . Thanks! From:Wayne
ReplyDeleteJuan Lagasca now a retired gentleman his children and grandchildren to live in the United States to be residing in Union City CA then to Seattle WA to live with his family peaceful.Thanks! From:Wayne
ReplyDeleteThe late Col.Juanito Lagasca is my grandfather's sibling..and I'm proud of what he did in being a true police..by doing his police duties..and I am proud being a Lagasca.
ReplyDeleteHe is my dad and im so proud of him. Npapakabait na Tao at ang daming natulungan n tanong nangangailangan. Very soft hearted. Miss my dad so much!
ReplyDeleteHe is a great man and he helped a lot of people. May God always look after him and his family
ReplyDeleteSana isang araw may isang katulad nya....
ReplyDeletePinapanuod ko sya now lakay by FPJ.yan pala story.
ReplyDeleteDapat lng mangyari Kay waway Yun.
Good job sir lagasca
I've watched Lakay many times. Ngayon lang ako nagkainterest to search who col lagasca is. he is a great gentleman. and very brave police officer. FPJ was lucky filming his great bio. Salute!
ReplyDeleteNapaka ganda ng storya ng movie ni Col.Lagasca bibihira na ng police na gumagawa ng para sa bayan namiss ko tuloy ang tatay ko katulad din sya ni lakay at isa pa favorite ng tatay ko ang movie na to kaya palagi ko itong pinapanold dahil naaalala ko ang tatay ko pag pinapanold ko ang movie na ito
ReplyDeleteHi, lolo ko si Gregorio Magtanong, ang tanda ko May 29 napatay ang lolo ko ni waway
ReplyDeletePero bakit sa historing ito si lagasca namuno para pahirapan si waway. Despite wala naman syang kasalanan
ReplyDelete